Unti-unting nagsasara ang mga paaralan sa France dahil sa heatwave makaraang umabot ang temperatura sa higit 40 degrees celcius, araw ng Huwebes.
Nasa 50 eskwelahan sa Essonne region bahaging Timog ng Paris, ang isinara dahil sa kakulangan sa maayos na air conditioning.
Ayon sa French media, ilang paaralan pa ang isasara sa Val-de-Marne at Seine-et-Marne regions na malapit din sa Paris.
Ilan na ang nasawi sa ilang bahagi ng Europe dahil sa nararanasang mainit na temperatura na inihahalintulad na mga tao sa ‘impyerno’.
Tatlo katao ang namatay habang lumalangoy sa mga dagat sa France dahil sa hrydrocution na nauwi sa cardiac arrest.
Dalawampu’t pito katao ang nalunod sa Lithuania matapos umabot sa 35.7 degrees Celsius ang temperatura
Ganito rin ang nangyari sa Poland na ayon sa interior ministry, 90 katao ang nalunod sa paglangoy sa mga lawa at ilog sa kasagsagan ng napakainit na panahon.
Nagbabala ang mga awtoridad sa mga tao na unti-untiin lamang ang pagtampisaw sa tubig upang hindi mabigla ang katawan sa pagbabago ng temperatura nang maiwasan ang hydrocution.
Samantala, sa northeastern Spain ay inaasahang aabot na sa 45 degrees Celsius ang temperatura bukas araw ng Biyernes.