Duterte hinamon ang US, Britain at France na tulungan ang Pilipinas vs. China

By Rhommel Balasbas June 27, 2019 - 04:05 AM

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Estados Unidos, Great Britain at France na samahan ang Pilipinas sa pagbawi sa Spratlys.

Ang pahayag ng pangulo ay sa gitna ng mga batikos na natanggap matapos sabihing isang simpleng maritime accident lamang ang nangyari sa Recto Bank.

Sa talumpati sa ika-122 anibersaryo ng Presidential Security Group, sinabi ng presidente na kung matapang ang mga Kanluraning bansa ay dapat samahan ng mga ito ang Pilipinas sa pagbawi sa mga pinag-aagawang teritoryo.

“Ito ang hamon ko, America, Britain, France: Mag-assemble tayo dito sa Palawan tapos diretso na tayo doon sa Spratly, Agawin na natin kung maagaw natin,” ani Duterte.

Sinabi ng pangulo na hindi siya natatakot ngunit talagang walang tyansa ang bansa laban sa China dahil sa dami ng armas ng mga ito.

“Hindi ako sa hindi natatakot, kung gusto nila, sabi ko nga mag-imbita sila, kahit hindi naman talaga natin kaya ‘yang put*, karami ng armas diyan ngayon,” giit ng pangulo.

Ayon pa kay Duterte, binatikos ng US ang militarisasyon at reclamation ng China sa South China Sea ngunit wala naman itong ginawa para pigilan ang Beijing noong nagsisimula pa lang ito.

“America, who was the only power at that time who could stop it, never lifted a finger. Iyan ang totoo. Nandito man tayo lahat,” dagdag ng president.

Nanindigan ang punong ehekutibo na hindi kaya ng Pilipinas na makipag-giyera sa China.

 

TAGS: giyera, hinamom, Rodrigo Duterte, simpleng maritime accident, united kingdom, US, giyera, hinamom, Rodrigo Duterte, simpleng maritime accident, united kingdom, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.