Kapa ‘donor’ dumulog sa SC; gobyerno nais pagbayarin ng P3B para sa danyos

Nagpasaklolo sa Korte Suprema ang isang ‘donor’ ng Kapa Community Ministry International matapos ang utos ng gobyerno na ipahinto ang operasyon ng sekta.

Inihain ng Rhema International Livelihood Foundation Inc. ang isang petisyon sa SC para hilinging mabaliktad ang desisyon ng Securities and Exchange Commission’s (SEC) na tanggalin ang rehistro ng KAPA bilang isang non-stock corporation.

Nais ng Rhema na payagan ng mataas na hukuman ang organisasyon na maipagpatuloy ang kanilang operasyon.

Hiniling din ng nasabing donor na magbayad ang gobyerno ng P3 milyong piso para sa compensatory damages.

Dapat umanong mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng impeachment dahil sa paglabag sa Konstitusyon sa Article III o ang Bills of Rights.

Pinatatanggal din ng Rhema sa pwesto ni SEC a dokumento, salapi at mga ari-arian na pagmamay-ari ng simbahan ng walang due process.

 

Read more...