Durant, free agent na matapos tanggihan ang $31.5M option deal sa Warriors

By Len Montaño June 27, 2019 - 01:41 AM SHARE(S):

Isa ng unrestricted free agent si NBA star Kevin Durant matapos nitong tanggihan ang $31.5 million option deal sa Golden State Warriors.

Ayon sa ESPN report, ang 30 anyos na si Durant at ang business manager nitong si Rich Kleiman ay nasa New York ngayon para suriin ang opsyon nito bilang free agent.

Sa New York inoperahan si Durant matapos mapunit ang kanang Achilles tendon nito na kanyang natamo sa Game 5 ng NBA Finals laban sa Toronto Raptors.

Naiulat na nais ng Brooklyn Nets na kunin si Durant.

Kahit inaasahang hindi makakalaro si Durant sa buong 2019-2020 season, nagpahayag umano ng interes ang Nets, New York Knicks at Warriors na pumirma sa kanila si Durant ng maximum contract.

Si Durant ay 10-time All Star, two-time NBA Finals MVP at four-time scoring champion.

Mayroon itong average na 26 points, 6.4 rebounds at 5.9 assists sa loob ng 78 natapos na season.

 

TAGS: achilles tendon, Brooklyn Nets, golden state warriors, Kevin Durant, NBA star, New York Knicks, option deal, tanggihan, unrestricted free agent, achilles tendon, Brooklyn Nets, golden state warriors, Kevin Durant, NBA star, New York Knicks, option deal, tanggihan, unrestricted free agent

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.