Bilyong pisong pondo ng Road Board, may anomalya ayon sa COA

EDSA TRAFFIC/ OCTOBER 28, 2014 Slow moving traffic at Edsa  INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Kinakitaan ng aberya ang aabot sa P1.2 bilyong halaga na mga proyektong inaprubahan ng Road Board at pinondohan gamit ang road users’ tax collections noong isang taon.

Ang Road Board na nilikha sa pamamagitan ng Republic Act No. 8794 noong 2007, ang kumukolekta sa halos bilyong pisong buwis sa MVUC o mas kilala bilang road users’ tax na ipinapataw sa mga nagmamay-ari ng sasakyan sa bansa.

Tungkulin din ng ahensya ang mga ‘bankrolling projects’ na may kaugnayan sa safety ang maintenance ng national at provincial roads sa bansa.

Ayon sa Commission on Audit, sa kanilang audit report nakitaan ng mga iregularidad ang disbursement at pamamahala sa pondo ng Motor Vehicles Users’ Charge o MVUC.

Ilan sa iregularidad na nakita ng COA ay ang kabiguan ng Road Board na tiyakin na nagagamit ang 199 milyong pisong halaga ng Motor Vehicle Inspection System o MVIS equipment na binili para sa Land Transportation Office o LTO.

Ang pagkakabili sa naturang equipment ay inilaan sana para makapagbigay ng ‘systematic, reliable at effective’ testing ng motor vehicles sa buong bansa.

Sa kabila ng nauna nang audit recommendations, ang MVIS ay nananatiling underutilized o idle na nagreresulta sa pagkaka-aksaya sa pondo ng gobyerno.

Read more...