Duterte: Pilipinas walang ‘sovereign rights’ sa EEZ sa bansa

By Chona Yu June 27, 2019 - 01:21 AM

Dumipensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa kayang desisyon na payagan ang China na makapangisda sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa talumpati ng Pangulo sa 122nd anniversary ng Presidential Security Group (PSG), sinabi nito na hindi niya maaaring itaboy ang China dahil sa mayroon silang historical rights sa lugar.

Ipinunto pa ng Pangulo ang naipanalong kaso nina dating Pangulong Benigno Aquino III, dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Senior Associate Justice Antonio Carpio sa The Hague na hindi naman anya binibigyan ang Pilipinas ng ganap na “sovereign rights” sa buong EEZ ng teritorial sea.

Giit ng Pangulo, walang bansa sa mundo na may “sovereign rights” sa economic zone.

Tanong ng Pangulo, paano nya ipatutupad ang ruling at pagbawalan ang China na mangisda sa lugar?

Maging ang Amerika aniya ay takot sa China kung kaya siya ang tinutulak na makipaglaban para mapasubo at mapahamak.

Hinikayat pa ng pangulo sina US President Donald Trump, ang lider ng Great Britian at France na sama sama silang magtungo sa Palawan para sugurin ang China.

Bukod dito sinabi ng Pangulo na pinayagan ng China ang mga Filipino na mangisda sa Scarbourough kung kaya marapat lamang na payagan din silang makapangisda sa EEZ.

 

 

TAGS: China, EEZ, mangisda, PSG anniversary, Rodrigo Duterte, Sovereign Rights, West Philippine Sea, China, EEZ, mangisda, PSG anniversary, Rodrigo Duterte, Sovereign Rights, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.