Bagyong Dodong nakalabas na ng PAR

By Len Montaño June 26, 2019 - 10:08 PM

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Dodong ngayong gabi.

Ayon sa Pagasa, lumabas ng PAR ang Tropical Depression Dodong alas 9:30 Miyerkules ng gabi.

Nakatakdang maglabas ang Pagasa ng final severe weather bulletin alas 11:00 ng gabi.

Una rito ay bumilis ang kilos ng bagyo habang tinatahak ng direksyong Hilagang bahagi ng bansa.

Dakong hapon ay namataan ang TD Dodong sa bahagi ng Basco, Batanes.

Samantala, may minomonitor ang Pagasa na isang low pressure area (LPA) 435 kilometers sa west-northwest ng Coron, Palawan.

Nakapaloob ang LPA sa Monsoon trough o buntot ng Habagat.

Isa pang LPA sa labas ng PAR ang namataan 1,680 kilometers east ng Mindanao.

Mababa umano ang tsansa na maging bagyo ang LPA sa susunod na 24 hanggang 40 oras pero inaasahang papasok ito sa PAR sa Sabado.

 

 

 

TAGS: Bagyong Dodong, LPA, nakalabas na, Pagasa, PAR, Tropical Depression, Bagyong Dodong, LPA, nakalabas na, Pagasa, PAR, Tropical Depression

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.