3 patay, 1 nawawala sa gumuhong bahagi ng bundok sa Quezon

By Den Macaranas December 19, 2015 - 07:45 PM

real
google map

Kinumpirma ng Provincial government na tatlo ang patay samantalang isa ang nawawala makaraang gumuho ang bahagi ng isang bundok sa Brgy. Tanuan Real Quezon.

Sinabi ni Henry Buzar, spokesman ng Provincial Disaster Risk Reductions and Management Council (PDRRMC) na dahil sa tuloy-tuloy na buhos ng ulan ay gumuho at nagkaroon ng mudslides sa nasabing lugar.

Natabunan ang ilang kabahayan kabilang na ang bahay ng mga hindi muna pinangalanang mga biktima.

Nauna dito ay isina-ilalim ang mga lalawigan ng Quezon, Batangas, Rizal, Laguna at Batangas sa Orange Rainfall Warning.

Nangangahulugan ito na magkakaroon ng malakas na buhos ng ulan sa nasabing mga lugar sa loob ng tatlong oras.

Kaagad namang nagpadala ng search and rescue team ang Quezon Provincial government para tulungan ang mga biktima sa trahedya.

Sa pinakahuling bulletin ng Pagasa, kanilang sinabi na mananatili ang pag-ulan hanggang bukas dahil sa tinatawag na tail-end of the of a cold front na nakaka-apekto sa Metro Manila, Central at Southern Tagalog Regions.

TAGS: landslide, Quezon, Real, landslide, Quezon, Real

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.