Pangulong Duterte, wala pang naitatalagang Anti-Red Tape czar
Bigo si Pangulong Rodrigo Duterte na makapagtalaga ng Anti-Red Tape czar.
Ito ay kahit na noong May 2019 pa nalagdaan ni Pangulong Duterte ang ease of doing business law na naglalayong labanan ang red tape o korupsyon sa pamahalaan.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) officer-in-charge deputy director general Ernesto Perez, wala namang abiso ang Office of the President kung wala pang naitatalagang permaneteng Anti-Red Tape czar.
Gayunman, sinabi ni Perez na kahit wala pang ARTA chief, natutugunan naman ng kanilang hanay ang reklamo sa iba’t ibang pamahalaan.
Under study pa aniya ng pangulo ang pagpili sa ARTA chief.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.