Operasyon ng MRT-3, naantala dahil sa sumabit na lobo sa kable ng tren

Naantala ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos makitang nakaipit ang isang lobo sa contract wire at messenger wire ng tren bandang 3:46, Miyerkules ng hapon.

Natagpuan ang lobo sa northbound direction sa interstation ng Kamuning at Quezon Avenue.

Bandang 4:21 ng hapon naman ay naalis na ang sumabit na lobo at naibalik sa normal ang operasyon ng MRT-3.

Nagpaalala naman sa publiko ang pamunuan ng tren na huwag magtapon ng kahit anong basura sa paligid ng mga istasyon na maaaring makompromiso sa kaligtasan ng pasahero.

Humingi naman ng paumanhin ang MRT-3 sa mga naabalang pasahero.

Read more...