Bayan Muna Rep. Zarate, tatakbo ring Speaker sa 18th Congress

Magiging pambato ng Makabayan Bloc speakership sa 18th Congress si Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate.

Ayon kay outgoing ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio, panahon na para iluklok sa makapangyarihang posisyon ang isang mambabatas na inuuna ang kapakanan ng masa.

Kailangan na aniya ng Speaker na titindig para sa karapatan at husay ng mga manggagawa, magsasaka, Lumad, kababaihan at iba pa.

Aminado rin si Zarate na dehado siya sa laban kung numero ang pag-uusapan lalo’t anim lamang silang miyembro ng Makabayan habang nakipag-alyansa sa administrasyong Duterte ang ibang mga kandidato sa speakership.

Ngunit ginagawa umano nila ito hindi lamang para igiit ang pagiging independent bloc at fiscalizer sa Kamara kundi para bigyan ng boses ang mahihirap. / Erwin Aguilon

 

Read more...