Palasyo, umaasang maging shepherd ng legislative agenda ang susunod na speaker

By Chona Yu June 26, 2019 - 03:26 PM

Tiwala ang Palasyo ng Malakanyang na magiging pastol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na speaker sa Kamara para maisulong ang legislative agenda ng administrasyon.

Pahayag ito ng Palasyo matapos i-endorse ng PDP-Laban si Marinduque Congressman Lord Alan Velasco bilang kandidato sa pagka-speaker.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malinaw ang polisiya ni Pangulong Duterte na hindi na makikialam sa pagpili ng susunod na speaker.

Ayon kay Panelo, ikinakatwiran ng pangulo na itutuon na lamang niya ang atensyon sa pamamahala sa Pilipinas kaysa makisawsaw sa pulitika.

Ayaw din ng pangulo na makasakit ng damdamin dahil pawang mga kaalyado niya ang nangangarap na maging speaker.

Bukod kay Velasco, matunog din ang pangalan nina incoming Congressmen Alan Peter Cayetano, Martin Romualdez at Pantaleon Alvarez. / Chona Yu

 

TAGS: Alan Peter Cayetano, legislative agenda, Marinduque Congressman Lord Alan Velasco, Martin Romualdez at Pantaleon Alvarez, Presidential spokesman Salvador Panelo, Alan Peter Cayetano, legislative agenda, Marinduque Congressman Lord Alan Velasco, Martin Romualdez at Pantaleon Alvarez, Presidential spokesman Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.