Paglagda ni Rep. Romero sa manifest of support para sa speakership bid ni Rep. Velasco walang basbas ng Partylist coalition
Walang katotohanan may inindorso na ang Partylist Coalition sa Kamara upang maging speaker para sa 18th Congress.
Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., hindi sila kinonsulta ni Partylist Coalition President Mikee Romero bago lumagda ng manifest of support kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
Aniya, hindi maaaring i-attribute para sa lahat ng myembro ng Partylist Coalition ang pirma ni Romero dahil pansarili lamang ang desisyon na ito at hindi natanong dito ang mga kasamahan.
Dahil dito, magkakaroon ng emergency meeting ang Partylist Coalition para linawin na hindi ito collective decision ng partido.
Inamin ni Garbin na maraming myembro ng PCFI ang umalma at nagalit na dinala ni Romero ang grupo gayong sariling desisyon niya lamang ang suportahan si Velasco sa Speakership race.
Sa lumabas na multi-party manifesto of support ineendorso ng PDP-Laban, NPC, Northern Luzon Alliance at Partylist Coalition si Velasco bilang susunod na House Speaker.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.