Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na 2-oras
Nagtaas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Metro Manila at maraming kalapit nitong lalawigan sa Central at Southern Luzon.
Sa abiso ng PAGASA, alas 12:32 ng tanghali ng Miyerkules (June 26), moderate to heavy na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Zambales, Bataan, Bulacan, Cavite, Batangas at Rizal sa susunod na dalawang oras.
Ganitong lagay na panahon naman na ang nararanasan sa Floridablanca at Lubao sa Pampanga; Luisiana, Majayjay, at Cavinti sa Laguna; Lucban, Sampaloc at Mauban sa Quezon.
Pinayuhan ang lahat ng residente ng mga nabanggit na lugar na maging alerto sa posibleng biglaang pagbaha bunsod ng mararanasang malakas na buhos ng ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.