Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong 60 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong Hilaga Hilagang-Silangan.
Dahil sa habagat na pinalalakas ng bagyo ngayong araw ay makararanas ng light hanggang moderate na pag-ulan na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang sumusunod na mga lugar:
– Northern Palawan
– Mindoro Provinces
– Romblon
– Marinduque)
– Aklan
– Antique
– western Iloilo
– Guimaras
– Negros Occidental)
– Masbate
– western section ng Camarines Sur
– western section ng Albay
– western section ng Sorsogon
Bukas araw ng Huwebes (June 27), light to moderate na may occasional heavy rains din ang mararanasan sa:
– Metro Manila
– Zambales
– Bataan
– Pampanga
– Bulacan
– Mindoro Provinces
– Antique
– at western Aklan
Ngayong araw ay lalabas na ng bansa ang bagyo.