Bagyong Dodong bahagyang bumilis; kumikilos na pa-Hilaga Hilagang-Silangan

By Dona Dominguez-Cargullo June 26, 2019 - 11:40 AM

Bahagya pang bumilis ang bagyong Dodong na huling namataang PAGASA sa layong 705 kilometers East ng Basco Batanes.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong 60 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong Hilaga Hilagang-Silangan.

Dahil sa habagat na pinalalakas ng bagyo ngayong araw ay makararanas ng light hanggang moderate na pag-ulan na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang sumusunod na mga lugar:

– Northern Palawan
– Mindoro Provinces
– Romblon
– Marinduque)
– Aklan
– Antique
– western Iloilo
– Guimaras
– Negros Occidental)
– Masbate
– western section ng Camarines Sur
– western section ng Albay
– western section ng Sorsogon

Bukas araw ng Huwebes (June 27), light to moderate na may occasional heavy rains din ang mararanasan sa:

– Metro Manila
– Zambales
– Bataan
– Pampanga
– Bulacan
– Mindoro Provinces
– Antique
– at western Aklan

Ngayong araw ay lalabas na ng bansa ang bagyo.

 

TAGS: Dodong, Tropical Depression, weather, Dodong, Tropical Depression, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.