Senator Trillanes walang pakialam sa binabalak na ‘Igorot Ritual’ ni Sen. Imee Marcos

By Jan Escosio June 26, 2019 - 11:25 AM

Kuha ni Jan Escosio
Hindi na isyu kay Senator Antonio Trillanes IV sa balak ni incoming Senator Imee Marcos na magsagawa ng ritwal sa magiging opisina nito sa senado.

Ayon kay Trillanes, kung makakatulong kay Marcos na magampanan nito ang kanyang mga trabaho bilang senador ang sinasabi nitong religious rituals ay walang problema sa kanya.

Ngunit dagdag ng senador kung ang gagawin ng bagong senadora ay pahaging na masama siyang tao, ito ay pagiging ipokrito na dahil siya naman ay isang Marcos.

Unang nabanggit ni Marcos sa isang panayam ang balak na pagpapatawag ng mga Igorot para magsagawa ng pagbabasbas sa mamanahin niyang opisina ni Trillanes.

Sinabi pa nito na kung papayag ang graduating senator ay makikisayaw pa sila sa mga Igorot para mabendisyunan ng todo ang opisina na nasa ikalimang palapag ng Senate Building.

TAGS: Igorot Ritual, senator antonio trillanes, Senator Imee Marcos, Igorot Ritual, senator antonio trillanes, Senator Imee Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.