Sa multi-party manifesto of support, inihayag ng iba’t ibang mga partido na si Velasco ang kanilang sinusuportahang house speaker dahil may kakayahan itong pagkaisahin ang kamara sa mga crucial legislative reforms.
Ang manifesto ay nilagdaan nina Cong. Aurelio Dong Gonzales mula sa PDP-Laban, COng. Michael John Duavit mula sa NPC, Cong. Michael Romero na presidente ng Partiylist Coalition, Cong. KRistine Singson-Meehan ng Northern Luzon Alliance at Cong. Weslie Gatchalian ng NPC.
Nakasaad sa manifesto na dapat full term na makapaninilbihan ang house speaker upang maisulong ang legislative agenda ni Pangulong Duterte.
Nanawagan din sila sa mga kapwa nila mambabatas na si Velasco ang suportahan bilang house speaker para sa 18th congress.