Iba’t ibang partido lumagda ng manifesto of support para kay Rep. Velasco bilang susunod na house speaker
Maliban sa PDP-Laban nagkasundu-sundo ang iba pang partido pulitikal na iendorso ang kandudatura ni Rep. Lord Allan Velasco bilang house speaker.
Sa multi-party manifesto of support, inihayag ng iba’t ibang mga partido na si Velasco ang kanilang sinusuportahang house speaker dahil may kakayahan itong pagkaisahin ang kamara sa mga crucial legislative reforms.
Ang manifesto ay nilagdaan nina Cong. Aurelio Dong Gonzales mula sa PDP-Laban, COng. Michael John Duavit mula sa NPC, Cong. Michael Romero na presidente ng Partiylist Coalition, Cong. KRistine Singson-Meehan ng Northern Luzon Alliance at Cong. Weslie Gatchalian ng NPC.
Nakasaad sa manifesto na dapat full term na makapaninilbihan ang house speaker upang maisulong ang legislative agenda ni Pangulong Duterte.
Nanawagan din sila sa mga kapwa nila mambabatas na si Velasco ang suportahan bilang house speaker para sa 18th congress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.