Partido ni Pang. Duterte na PDP-Laban sinuportahan si Rep. Velasco bilang susunod na house speaker
Si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang napili ng administration party na Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban) para suportahan bilang susunod na house speaker.
Ginawa ni Senator Manny Pacquiao ang anunsyo sa pamamagitan ng video conference mula sa Los Angeles.
Mayorya ng mga miyembro ng PDP-Laban ang una nang lumagda ng manifesto of support para kay Velasco.
Si Velasco ay miyembro ng PDP-Laban pero ang dalawa sa kaniyang katunggali sa speakershp na sina Pampanga Representative Aurelio “Dong” Gonzales t Davao Del Norte Representative Pantaleon Alvarez ay kapwa din bahagi ng partido.
Dalawa pang makakalaban din ni Velasco sa pagka-speaker ay sina Leyte Representative-elect Martin Romualdez of Lakas ay Taguig City Representative-elect Alan Peter Cayetano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.