NAIA pasok sa listahan ng “fastest airport terminal to exit”
Nakapasok ang Pilipinas sa listahan ng may pinaka-mabilis na “airport terminal to exit.”
Ito’y ayon sa listahan ng Blacklane, isang Berlin-based na chauffeur and airport concierge service.
Sa pagkumpara ng Blacklane, kinakailangan lamang ng 37 minutes para maka-labas ng Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) na pam-pito sa “fastest airport” sa Asya.
Ginawa ng Blacklane ang pag-aaral mula Agosto 2018 kung saan nagkumpara sila ng mga flight arrival.
Ang isang biyahero mula domestic flight ay tumatagal lamang ng 23 minuto para makalabas ng paliparan habang ang pasahero mula sa international flight ay tumatagal lamang ng 38 minuto.
Nangunguna sa listahan ang Shanghai at Macau sa China kung saan tumatagal lamang ng 22 minutes at 32.5 minutes sa loob ng paliparan ang mga biyahero.
Ang pinaka-mabagal naman sa international arrivals ang Kansai sa Japan na umaabot ng 80.5 minutes.
Ang paliparan naman sa Luxembourg ang pinaka-mabilis na umaabot lamang ng median time na 15.5 minutes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.