Green sea turtle natagpuang patay sa baybayin ng Valladolid, Negros Occidental
Isang tatlong talampakang Green Sea Turtle ang natagpuan sa dalampasigan ng Barangay Poblacion, Valladolid, Negros Occidental.
Ayon sa Barangay Chairman na si Bill Kratzer, maaaring nalason ang pawikan dahil wala naman silang nakitang anumang sugatan sa katawan nito.
Nakita din na pawang mga plastic na basura ang dumi ng pawikan na maaaring sanhi ng pagkamatay nito.
Sa payo na rin ng Municipal Agriculture Office, agad na inilibing ang pawikan sa tabing dagat.
Ang Green Sea Turtle ay isang endangered species ayon na rin sa WWF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.