Operasyon ng jueteng hindi bubuwagin ni Pangulong Duterte

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang operasyon ng jueteng sa bansa.

Sa talumpati ng pangulo sa oath taking ng mga bagong halal na local officials sa Malakanyang, nangangamba ang pangulo na kapag nabuwag ang network ng jueteng, ang aparatus ng ilegal na droga ang papalit dito.

Aminado ang pangulo na hangga’t hindi nakapaglalagay ng pagkain sa lamesa ang ekonomiya sa bansa, marami pa rin ang susugal sa buhay gaya ng jueteng.

Hindi aniya kagaya ang jueteng sa KAPA ministry na may sabit ang operasyon.

Dagdag ng pangulo, hindi rin niya maaring mautusan ang mga pulis na araw araw na magsagawa ng raid sa operasyon sa jueteng dahil wala siyang sapat na puwersa at tauhan.

Dagdag ng pangulo, kung papipiliin siya sa pagitan ng ilegal na droga at jueteng, pipiliin na lamang niya ang lesser evil at ito ay ang sugal na jueteng.

Read more...