Lalaki patay sa pananambang sa Maynila

By Ricky Brozas June 26, 2019 - 09:43 AM

Contributed Photo

Nasawi ang isang lalaki makaraang tambangan ng riding in tandem sa Taft Avenue sa Malate, Maynila.

Dead in the spot ang biktima na nakasuot ng kulay maroon na t-shirt, naka-shorts at rubber shoes.

Mayroon ding nakitang backpack sa biktima, nakasuot ito din ito ng sombrero at tadtad ng tattoo sa katawan.

Ayon sa ilang saksi, nakarinig sila ng tatlong putok ng baril at nakitang nakabulagta na ang biktima.

Base sa nakuhang PhilHealth ID n sa biktima ng mga tauhan ng Homicide section ng Manila Police District (MPD), ito ay nakilalang si Frederick Manosa Rael.

Dinala na sa punerarya Archangel ang katawan ng biktima.

Habang inaalam na ng mga imbestigador kung nakuhanan ng CCTV sa lugar ang pamamaril na nangyari sa tapat mismo ng Philippine Women’s University.

TAGS: ambush, malate, manila, Radyo Inquirer, ambush, malate, manila, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.