Nasawi dahil sa ‘brain fever’ sa India umakyat na sa 150
Umabot na sa 150 ang bilang ng mga batang nasawi sa Bihar state sa India dahil sa sakit na ‘brain fever’.
Inatasan na ng Mataas na Hukuman sa India ang pamahalaan na ipaliwanag ang mga ginagawa nitong hakbang para malaban ang Acute Encephalitis Syndrome (AES).
Pinaniniwalaang nakukuha ang sakit sa pagkain ng hilaw pang lychee.
Ayon sa datos ng mga otoridad, nasa 152 mga bata na ang nasawi sa eastern state ng India at mayroong pang 131 na ginagamot sa dalawang ospital.
Ipinag-utos na ng punong mahistrado doon na ang imbestigasyon sa posibleng kapabayaan ng federal health minister sa dalawang apektadong lugar.
Sa nakalipas na 10 taon, mayroong mahigit 1,350 na mga bata ang nasawi sa sakit.
Ang ‘brain fever’ ay pamamaga ng utak na karaniwang nakaaapekto sa mga undernourished na bata na edad 10 pababa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.