Malaking butas sa service road ng Roxas Blvd., hindi pa naisasaayos

By Dona Dominguez-Cargullo June 26, 2019 - 08:42 AM

Hindi pa nauumpisahan ang repair sa sinkhole sa service road ng Roxas Boulevard sa Maynila kung saan nahulog ang isang cargo truck noong araw ng Linggo.

Napapalibutan pa rin ng plastic barriers ang butas at hindi pa nakapag-uumpisa ng repair ang mga tauhan ng Department of Public Works ang Highways (DPWH).

Ayon sa mga tauhan ng DPWH, inuna nilang tanggalin ang mga kable ng kuryente sa ilalim ng malaking butas.

Kapuna-puna na mula noong Linggo ay mas lumalim at lumawak pa ang butas.

Ang nasabing bahagi ng kalsada ay bumigay nang dumaan ang 14-wheeler truck na may lamang 16 na tonelada ng buhangin.

TAGS: DPWH, east service road, roxas blvd, sinkhole, DPWH, east service road, roxas blvd, sinkhole

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.