70-anyos na babaeng negosyante patay sa pananambang sa Cebu City

By Dona Dominguez-Cargullo June 26, 2019 - 08:26 AM

Patay ang ang isang babaeng negosyante makaraang tambangan sa Barangay Ermita sa Cebu City.

Nakilala ng mga otoridad ang biktimang si Erlinda Garcia, 70 anyos na tubong Carcar City.

Ayon kay Police Staff Sergeant Joel Perolino, base sa testimonya ng mga nakasaksi naghahapunan si Garcia was dakong alas 9:00 ng gabi ng Martes (June 25) nang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang dumating at pinagbabaril siya.

Dalawang anggulo ang tinitignan ng mga pulis sa pagpatay, una ay ang personal na galit at ikalawa ay may kaugnayan ito sa kaniyang negosyo.

Apat na bala ng 9MM na baril ang natagpuan sa crime scene.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen at tinitignan na kung may CCTV sa pinangyarihan ng pananambang.

TAGS: ambush, businesswoman, Cebu City, ambush, businesswoman, Cebu City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.