Water level ng Angat dam bumagsak pa sa 158.40 meters

By Dona Dominguez-Cargullo June 26, 2019 - 07:53 AM

Nabawasan pa rin ang water level ng Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Sa update ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Miyerkules, June 26 ay 158.40 meters ang water level ng dam.

Mas mababa kumpara sa 158.77 meters kahapon, araw ng Martes.

Nabawasan din ang water level sa Ipo dam na ngayon ay nasa 99.64 meters.

Habang nadagdagan ng 0.78 meters ang water level ng La Mesa dam at ngayon ay nasa 69.98 meters.

Nadagdagan din ang water level ng Ambuklao, Binga, Pantabangan, at Magat.

Habang kapwa naman nabawasan ng bahagya ang water level ng San Roque at Caliraya.

TAGS: Angat Dam, Pagasa, water crisis, water level, weather, Angat Dam, Pagasa, water crisis, water level, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.