1 patay, 1 arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Nueva Ecija
(UPDATE) Isa ang patay habang arestado ang isa pa sa magkahiwalay na buy-bust operation na ikinasa sa Barangay Caanawan, San Jose City, Nueva Ecija.
Ayon kay Police Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng San Jose City Police Station unang ikinasa ang operasyon alas 8:40 ng gabi ng Martes (June 25), laban sa suspek na si Isagani Domingo, 53 anyos na isang magsasaka.
Nadakip si Domingo at nakuhanan ng dalawang piraso ng maliliit na sachet ng hinihinalang shabu at P500 na buy-bust marked money.
Alas 9:15 ng gabi naman, nang ikasa ng mga pulis ang ikalawang operasyon sa laban sa suspek na si Joselito Gonzales.
Positibong nakabili ng isang sachet ng shabu ang poseur buyer kay Gonzales at nang aarestuhin na ito ay bumunot ito ng baril at nagpaputok sa mga pulis.
Gumanti ng putok ang mga otoridad na ikinasawi ng suspek.
Nakuha kay Gonzales ang isang cal .38 revolver at walong piraso ng bala para sa 9MM na baril.
Ang dalawa ay kapwa na sa drugs watchlist ng pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.