Itinanghal si Miawaukee Bucks star forward Giannis Antetokounmpo bilang Most Valuable Player (MVP) sa 2018-2019 regular season ng NBA.
Tinanggap ng 24 anyos na player mula Greece ang parangal sa NBA Awards mula sa California.
Si Antetokounmpo ang pinaka-batang MVP mula nang manalo si Derrick Rose na MVP noong 2011.
Tinalo ni Antetokounmpo si 2018 MVP James Harden ng Houston Rockets at si Oklahoma City Thunder forward Paul George.
Ang bagong NBA MVP ay mayroong average na 27.2 points at 12.5 rebounds.
Pinangunahan nito ang Milwaukee sa best regular season record sa liga sa kartadang 60 wins at 22 loss.
Umabot ang Bucks sa Eastern Conference Finals pero tinalo sila ng Toronto Raptors na kalaunan ay nakuha ang kanilang unang NBA championship.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.