Bilang ng mga patay sa bagyong Nona umakyat na sa 23

By Den Macaranas December 19, 2015 - 10:54 AM

del-rosario-pama
Inquirer file photo

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umakyat na sa 23 ang bilang ng mga patay dulot ng pananalasa ng bagyong Nona.

Ayon sa NDRRMC, labing-tatlo ang patay sa MIMAROPA Region, Apat sa Bicol Region, Tatlo sa Calabarzon at Tatlo rin sa Eastern Visayas.

Sa kasalukuyan ay tatlo rin ang reported missing base sa pinakahuling mga impormasyon na natatanggap ng tanggapan ni Executive Director Alexander Pama.

Umakyat na rin sa halos ay P1Billion ang halaga ng mga nasira sa sektor ng agrikultura samantalang inaalam pa ang lawak ng pinsala sa mga imprastraktura.

Sa record pa rin ng NDRRMC, 161,196 na mga kabahayan ang nasira mula sa pitong mga lungsod at 35 municipalities na sinalanta ng nasabing bagyo.

 

TAGS: ndrrmc, Nona, Pama, ndrrmc, Nona, Pama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.