‘Panliligaw’ ni Rep. Velasco sa ibang mga kongresista tuloy

By Erwin Aguilon June 26, 2019 - 02:52 AM

Sa kabila ng suportang nakuha mula sa ibang mga kapartido sa PDP Laban tuloy tuloy ang ginagwang panunuyo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa iba pang mga kongresista.

Ayon sa Makabayan Bloc, kinausap sila ni Velasco, pero tumangging sabihin ang mga pangako sa kanila maliban sa pagtiyak na luluwagan ang oras ng debate para sa oposisyon.

Sa panig ng Liberal Party sinabi ni Caloocan Rep. Edgar Erice na kinukumbinsi sila ni Velasco na sumama na sa mayorya kasabay ng alok na Committee Chairmanships para sa kanilang senior members.

Gayunman, ilang senior congressmen ang lumihis ng landas para suportahan sa pagka-speaker si Taguig City Representative-elect Alan Peter Cayetano.

Kabilang dito sina Representatives Ronnie Zamora, Boyet Gonzales, Abraham Tolentino at Dan Fernandez na nagsabing mas pinili nila si Cayetano.

Nauna nang inihayag ng ilang taga PDP Laban na nasa 40 kapartido na ang lumagda sa isang manifesto ng suporta upang maging House Speaker ang Marinduque solon kabilang na si Pampanga Rep. Dong Gonzales na nauna nang napaulat na nais ding maging pinuno ng Kamara.

 

TAGS: committee chairmanships, debate, Kamara, Kongresista, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, panliligaw, PDP Laban, speaker, committee chairmanships, debate, Kamara, Kongresista, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, panliligaw, PDP Laban, speaker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.