Ang 3-part fora ay tinatawag na ‘Tatak ng Pagbabago’ at isasagawa sa Pasay, Cebu at Davao City.
Sa isang pahayag araw ng Martes, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na tatalakayin ng mga miyembro ng gabinete ang mga polisiya at programa ng administrasyon at maging ang mga napagtagumpayan sa pag-abot sa totoong pagbabago.
Ang unang pre-SONA forum na “Patuloy na Pag-unlad” ay idaraos sa July 1 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City at pangungunahan ng Economic Development Cluster at Infrastructure Cluster.
Ang forum naman sa Cebu na tatawaging “Patuloy na Malasakit at Pagkakaisa” ay isasagawa sa July 10 sa Cebu sa pangunguna ng governance cluster at Human Development and Poverty Reduction Cluster.
Ang huling forum naman sa hometown ng pangulo sa Davao City na “Patuloy na Katatagan” ay isasagawa sa July 17 at pamumunuan ng Climate Change Adaptation, Mitigation and Risk Reduction Cluster, Security, Justice and Peace Cluster.
Ayon kay Panelo, mayroong open forum kasama ang Cabinet Secretaries at mga opisyal ng bawat cluster at ipalalabas ng live sa Facebook pages ng PCOO, PTV at Radyo Pilipinas.
Nauna nang inilunsad ang serye ng forums ng Office of the Cabinet Secretary at Presidential Communications Operations Office (PCOO) noong 2018.