Pre-SONA forums isasagawa sa Pasay, Cebu at Davao

By Rhommel Balasbas June 26, 2019 - 02:47 AM

Sa ikalawang sunod na taon ay magsasagawa ng serye ng forums sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang paghahanda sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.

Ang 3-part fora ay tinatawag na ‘Tatak ng Pagbabago’ at isasagawa sa Pasay, Cebu at Davao City.

Sa isang pahayag araw ng Martes, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na tatalakayin ng mga miyembro ng gabinete ang mga polisiya at programa ng administrasyon at maging ang mga napagtagumpayan sa pag-abot sa totoong pagbabago.

Ang unang pre-SONA forum na “Patuloy na Pag-unlad” ay idaraos sa July 1 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City at pangungunahan ng Economic Development Cluster at Infrastructure Cluster.

Ang forum naman sa Cebu na tatawaging “Patuloy na Malasakit at Pagkakaisa” ay isasagawa sa July 10 sa Cebu sa pangunguna ng governance cluster at Human Development and Poverty Reduction Cluster.

Ang huling forum naman sa hometown ng pangulo sa Davao City na  “Patuloy na Katatagan” ay isasagawa sa July 17 at pamumunuan ng Climate Change Adaptation, Mitigation and Risk Reduction Cluster, Security, Justice and Peace Cluster.

Ayon kay Panelo, mayroong open forum kasama ang Cabinet Secretaries at mga opisyal ng bawat cluster at ipalalabas ng live sa Facebook pages ng PCOO, PTV at Radyo Pilipinas.

Nauna nang inilunsad ang serye ng forums ng Office of the Cabinet Secretary at Presidential Communications Operations Office (PCOO) noong 2018.

 

TAGS: Forum, pre-SONA, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, SONA, Tatak ng Pagbabago, Forum, pre-SONA, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, SONA, Tatak ng Pagbabago

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.