LOOK: Angelica Panganiban ibinalandra ang summer body sa Siargao

By Len Montaño June 26, 2019 - 02:02 AM

Angelica Panganiban IG

Tag-ulan na pero mistulang summer pa rin para sa aktres na si Angelica Panganiban na ipinamalas ang hubog ng kanyang katawan sa isang matingkad na berdeng one-piece swimsuit habang nagbabakasyon kasama ang mga kaibigan sa Siargao.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Angelica ang kanyang mga larawan kung saan makikita ang kanyang summer carves.

Ginulat ng aktres ang mga fans at kapwa artista nito sa kanyang mga pose sa beach sa isla kasabay ng sunset.

Angelica Panganiban IG

Sa isang larawan ay makikita naman itong naka-pose sa tabi ng puno na nasa dalampasigan at ibang anggulo ng kanyang beach figure ang naipamalas ng dalaga.

Agad namang nagpahayag ng paghanga kay Angelica ang ilang kapwa artista na sina Anne Curtis, Ryan Agoncillo at Alessandra De Rossi.

Angelica Panganiban IG

Ipinakita rin ng aktres ang beach getaway kasama sina Smokey Manaloto, Zanjoe Marudo, Pocholo Barreto at iba pang kaibigan nito.

Bago ang kanyang bakasyon ay huling pelikula ni Angelica ang “Exes Baggage” at ang TV series na “Playhouse” na nag-ere ng huling episode noong Marso.

 

TAGS: Angelica Panganiban, beach, one-piece swimsuit, pose, siargao, summer body, summer curves, summer getaway, Sunset, Angelica Panganiban, beach, one-piece swimsuit, pose, siargao, summer body, summer curves, summer getaway, Sunset

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.