Duque handang humarap sa imbestigasyon kaugnay ng ‘ghost dialysis claims’

By Clarize Austria June 25, 2019 - 11:05 PM

Handa umanong sumalang si Health Secretary Francisco Duque III sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) ukol sa mga ghost dialysis claims ng WellMed Dialysis Center.

Ayon kay Duque, mariin niyang kinokondena ang mga nagaganap na katiwalian na nagbabanta sa integridad ng social health insurance system sa bansa.

Sisiguraduhin rin ng Kalihim na mananagot ang mga sangkot sa mga maanumalyang paggamit ng pondo at gawain sa kaniyang nasasakupan.

Samantala, kumpiyansa naman si Duque na magiging maayos ang pamamalakad ni General Ricardo Morales bilang bagong presidente at CEO ng PhilHealth.

Si Morales ay dating opisyal sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong kinatawan ng PhilHealth.

 

TAGS: DOJ, General Ricardo Morales, ghost dialysis, health insurance system, Health Secretary Francisco Duque III, imbestigasyon, mwss, philhealth, wellmed dialysis center, DOJ, General Ricardo Morales, ghost dialysis, health insurance system, Health Secretary Francisco Duque III, imbestigasyon, mwss, philhealth, wellmed dialysis center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.