Duterte sa pederalismo: ‘Kung ayaw okay pero baguhin ang konstitusyon’
Sa kauna unahang pagkakataon, tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte na malabo nang mailusot ang isininusulong na pederalismo.
Sa talumpati ng Pangulo sa oath taking ng mga local officials sa Malakanyang, sinabi nito na okay na sa kanya kung hindi maipapasa ang pederalismo.
Pero pakiusap ng Pangulo sa mga mambabatas, baguhin ang konstitusyon na ikabubuti anya ng bayan.
Hinimok pa ng Pangulo ang mga mambabatas na huwag ma-discourage sa pagbabago ng 1987 Constitution.
May kapangyarihan aniya ang mga mambabatas na baguhin ang sitwasyon ng bayan.
Pakiusap pa ng Pangulo sa mga mambabatas, huwag matakot sa mga political analyst na nagmamagaling.
Hindi rin aniya dapat na matakot na mauuwi sa martial law o magiging diktador siya kapag binago ang konsitutsyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.