Sa inilabas na datos ng Center for Health Development (CHD), araw ng Martes (June 25), nasa kabuuang 1,206 na kaso ng tigdas ang naitala mula January 1 hanggang June 22,2 2019.
Ayon sa Department of Health Caraga (DOH 13), mas mataas ang nasabing bilang ng 506 porsyento kumpara sa naitalang kaso taong 2018.
Dahil dito, patuloy ang aksyon ng CHD Caraga para labanan ang nasabing sakit.
Katuwang din ng CHD Caraga sa mga advocacy at vaccination activities ang pamahalaan lokal sa lugar.
Nagpadala rin ng logistics at mga makuha sa mga Provincial Health Office para mas madaling maabot ang mga Rural Health Unit.
Nagsagawa rin ang Rapid Coverage Assessment ang DOH CHD Caraga para matiyak na mayroong vaccination teams ang lahat ng barangay.