Malaking bahagi ng CARAGA lubog pa rin sa baha

By Den Macaranas December 19, 2015 - 09:05 AM

Caraga
Inquirer file photo

Nananatiling nasa evacuation centers ang may 100,949 families sa CARAGA Region dahil sa patuloy na pananalasa ng baha sa mga bayan sa nasabing rehiyon.

Sa ulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Dir. Alexander Pama, kanyang sinabi na marami pa ring mga lugar sa CARAGA ang hindi mapasok ng mga otoridad dahil sa baha.

Nakipag-ugnayan na rin ang NDRRMC kay Compostella Valley Gov. Arturo Uy para bigyan ng babala ang mga nagta-trabaho sa mga minahan sa Mt. Diwalwal na iwasan muna ang lugar dahil sa panganib ng lanslides.

Noong 2011 ay marami ang namatay sa pananalasa ng bagyong Sendong sa naturang lugar dahil sa flashfloods at mud slides.

Sinabi ni Pama na patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga LGUs para maiwasan ang pagkakaroon ng casualties bagama’t isa na lamang sama ng panahon si Onyok.

Inaasahan naman ng PAGASA na sa maghapong ito ay magsisimula nang gumanda ang panahon sa mga lugar na dinaanan ni Onyok.

TAGS: Caraga, Compostella valley, ndrrmc, Pama, Caraga, Compostella valley, ndrrmc, Pama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.