Dodong hindi magla-landfall sa bansa ayon sa Pagasa

By Den Macaranas June 25, 2019 - 07:01 PM

Sinabi ng Pagasa na hindi inaasahan na magkakaroon ng landfall sa alinmang panig ng bansa ang bagyong si Dodong.

Pero mas palalakasin naman nito ang southeast monsoon o Habagat base sa 5 p.m weather bulletin ng Pagasa.

Sa araw ng Huwebes ay asahan na ang pagkakaroon ng monsoon rains sa Metro Manila, Western Visayas partikular na ang Western section, Central Luzon, CALABARZON and MIMAROPA.

Pinapayuhan rin ng Pagasa ang publiko na maging handa sa mga inaasahang flashfloods at landslides sa nasabing mga lugar.

Kaninang alas-kwatro ng hapon ay namataan ang bagyong si Dodong sa layong 615 km East Northeast ng Aparri, Cagayan o 615 km Silangan ng Calayan, Cagayan.

Taglay ni Dodong ang maximum sustained winds na 45 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbugso o gustiness na umaabot sa 65 kph.

Tinatahak ng nasabing bagyo ang direksyong Hilagang-Silangan sa bilis na 25 kph.

Ang susunod na severe weather bulletin ay ilalabas ng Pagasa mamyang 11 p.m.

TAGS: Cagayan, Dodong, Pagasa, Tropical Depression, Cagayan, Dodong, Pagasa, Tropical Depression

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.