Uumpisahan ng Government Service Insurance System o GSIS ang paperless submission ng mga remittance list document mula sa ibang mga ahensya ng gobyerno simula sa darating na Hulyo.
Ayon kay Jesus Clint Aranas, presidente at general manager ng GSIS, ito ay upang mabawasan ang ginagastos ng ahensya sa papel.
Magiging mas mabilis pa aniya ang mga transaksyon sa pagitan ng mga ahensya at pagsasaayos ng mga dokumentong isinusumite.
Sa panibagong utos na ito, mas magagamit ng ahensya ang Electonic Billing and Collection System o eBCS.
Inilunsad ng nasabing ahensya ang naturang sistema noong 2014 kung saan maaring idownload ang mga dokumento sa GSIS.
MOST READ
LATEST STORIES