Malacañang: Chinese crew malabong kuyugin ng mga Pinoy sa Recto Bank

By Chona Yu June 25, 2019 - 05:15 PM

Sinopla ng Malacañang ang pahayag ng Chinese embassy na natakot ang Chinese crew na kuyugin kung kaya hindi tinulungan ang dalawamput dalawang mangingisda na binangga sa recto bank.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, imahinasyon lamang ng Chinese crew na kukuyugin sila ng mga Filipinong mangingisda.

Hindi kasi maikakaila ayon kay Panelo na binangga at nagkalat na ang mga mangingisda sa karagatan kung kaya malabong mahabol pa sila para kuyugin.

Iginiit pa ni Panelo na nakasaad sa Article 98 ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na hindi maaring abandonahin ang mga mangingisdang nangangailangan ng tulong.

“So parang malabo iyong—baka imagination—hindi. There may be fear, but is that fear imagined or real or enough to justify you from leaving someone in help or in distress”, ayon sa kalihim.

Nauna dito ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaagad na isasapubliko anuman ang kalabasan ng ginagawang imbestigasyon sa Recto Bank incident.

TAGS: duterte, fishing, panelo, Recto Bank, UNCLOS, duterte, fishing, panelo, Recto Bank, UNCLOS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.