Miss World Philippines 2012 3rd runner-up namatay sa sakit na cancer
Pumanaw na si Miss World Philippines 2012 3rd runner-up April Love Jordan sa edad na 31-anyos.
Batay sa ulat, pumanaw ang beauty queen dahil sa liver cancer noong araw ng Biyernes, June 21.
Sa Instagram, nag-post si Miss World Philippines 2012 Queenie Rehman ng video ni April.
Sinabi ni Queenie na hindi niya matanggap ang biglang pagpanaw ni April Love.
Hindi rin aniya nito makakalimutan ang magagandang pinagsamahan lalo na sa kanilang Miss World journey.
Maliban sa Miss World Philippines 2012, lumaban rin si April Love sa Binibining Pilipinas, Mutya ng Pilipinas at Miss Philippines Earth.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.