Panukalang Department of Water binuhay sa pagdinig sa Kamara
Iginiit ni Local Water Utilities Administration Administrator Jeci Lapuz na kailangan ng isang ahensya ng pamahalaan na mangangasiwa sa mga water concessionaires.
Sa pagdinig ng Kamara, sinabi ni Lapuz na ang pangmatagalang solusyon pa rin sa krisis sa tubig ay ang pagtatayo ng Department of Water.
Paliwanag nito, mayroong 32 water agencies sa bansa na kanya-kanyang isip sa mga polisiya na kailangang ipatupad lalo na kapag may problema sa tubig.
Samantala, sa update ng ni Engr. Ramoncito Fernandez ng Maynilad sinabi nito na gumagana na ang kanilang dalawang Putatan, Muntinlupa Plant na nakapagdadagdag ng suplay ng tubig.
May isa pa rin anya silang planta sa nasabing lugar na nakahanda na para sa bidding.
Sinabi naman ni Engr. Ferdinand Dela Cruz ng Manila Water na mayroon silang karagdagang 135 to 140 milyon liter na pinagkukunan ng tubig kada araw.
Ito anya ay mula sa Cardona plant sa Rizal at sa kanilang deep well.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.