14 na barangay sa Lubao, Pampanga idineklarang drug free

By Jimmy Tamayo June 25, 2019 - 12:34 PM

Contributed photo
Idineklarang drug-free ang nasa 14 na barangay sa bayan ng Lubao sa Pampanga.

Ayon kay Lubao Chief of police, Police Colonel Jerry Corpuz, resulta ito ng pinalakas na kampanya laban sa iligal na droga sa kanilang lugar.

Kinabibilangan ito ng Barangays San Pablo 1, San Matias, Sto. Cristo, San Juan, Sta. Lucia, San Nicolas 2, Sta. Barbara, San Agustin, Del Carmen, Dela Paz, Sta. Maria, Santiago, San Isidro, at ang Sto. Niño.

Ang nasabing mga barangay ay pinagkalooban din ng sertipikasyon mula sa pulisya at sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Inaasahang tataas pa ang bilang sa 24 dahil ilang barangay ay nasa final phase ng clearing evaluation.

TAGS: drug-free, Lubao, Pampanga, War on drugs, drug-free, Lubao, Pampanga, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.