5 sugatan sa pagguho na naganap sa isang ginagawang gusali sa Taguig

Sugatan ang limang katao makaraang gumuho ang bahagi ng isang hinuhukay na lugar sa Bicutan, Taguig.

Ang lugar na mayroong malalim na hukay ay pagtatayuan ng gusali sa Barangay San Martin.

Natutulog lamang ang mga vendor malapit sa hukay nang mangyari ang pagguho.

Agad silang isinugod sa ospital.

Ayon sa opisyal ng barangay sa lugar maaring lumambot ang lupa dahil sa magdamag na pag-ulan.

Nabatid na walong palapag na gusali ang nakatakdang itayo sa lugar.

Read more...