Mga armas ni Erwin Tulfo hindi pa rin naisusuko – PNP

By Dona Dominguez-Cargullo June 25, 2019 - 11:11 AM

Bigo pa rin ang brodkaster na si Erwin Tulfo na maisuko ang kaniyang mga hindi lisensyadong baril.

Ito ay sa kabilang ng nauna nang panawagan sa kaniya ng PNP na isuko na ang mga armas niyang expired na ang lisensya.

Ayon kay PNP Spokesperson Pol. Col. Bernanrd Banac, sa kanilang pagkakaalam ay nasa labas ng bansa si Erwin Tulfo at wala pa silang impormasyon kung ito ay nakabalik na ng bansa.

Tiniyak ni Banac na hindi mangingimi ang PNP na gumawa ng mga hakbang dahil sa ngayon ay wala nang otorisasyon si Tulfo na mamay-ari ng mga armas.

TAGS: Erwin Tulfo, firearms, PNP, Erwin Tulfo, firearms, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.