Misis na OFW patay matapos pagsasaksakin ng kanyang mister sa Sultan Kudarat

Patay ang isang misis makaraang pagsasaksakin ng kaniyang mister sa Lebak, Sultan Kudarat.

Ayon kay Lebak Police station chief, Police Maj. Randy Aliarda, ang biktima ay si Daisy Villar, 39 anyos at isang domestic worker sa United Arab Emirates (UAE).

Nagkaroon umano ng matinding pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa bago pinagsasaksak ng suspek na si Anjo ang kaniyang misis.

Nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang biktima na kaniyang ikinasawi.

Ayon kay Eliarda, naghihinala si Anjo na may ibang lalaki si Daisy kaya sila nag-away.

Kadarating lamang ng Pilipinas ni Daisy noong Sabado galing UAE.

Narining ng mga kapitbahay na nagsisisigaw si Daisy, Lunes (June 24) ng hapo kaya agad silang tumawag sa pulis.

Pagdating sa lugar ng mga pulis inabot pa ng dalawang oras bago nila napasuko si Anjo, pero napatay na niya noon ang kaniyang misis.

Ang mga anak ng mag-asawa ay nasa eskwelahan nang mangyari ang krimen.

Hawak na ng mga pulis ang suspek, habang ang mga bata ay nasa pangangalaga ng magulang ng biktima.

Read more...