Balasahan ipinatupad sa PNP simula ngayong araw

Nagpatupad ng balasahan para sa ilang posisyon sa Philippine National Police (PNP) na epektibo ngayong araw, June 25.

Ayon kay PNP Spokesman Police Col. Bernand Banac, mayroon nang bagong district director ang Eastern Police District (EPD).

Ito ay sa katauhan ni Police Brig. Gen. Nolasco Bathan na dating Deputy Director for Operations ng Calabarzon Police.

Papalitan ni Bathan ang sinibak na hepe ng EPD na si Police Brig. Gen. Christopher Tambungan matapos alisin sa pwesto dahil sa pananakit at pagsasalita ng hindi maganda sa isang babaeng pulis.

Maliban sa EPD nagkaroon din ng balasahan sa iba pang opisyal ng PNP.

Si Police Col. Domingo Cabillan na galing sa PNP Finance Service ay magiging Acting Deputy Director for Administration ng Police Regional Office 11.

Habang ang dating Deputy District Director ng EPD na si Police Col. Florendo Quebuyen ay itinalaga naman bilang Acting Executive Officer ng Directorate for Research and Development Office.

Read more...