Sec. Duque tinawag na “harassment” ang panibagong kaso na isinampa sa kanya ng PAO

By Ricky Brozas June 25, 2019 - 09:54 AM

Agad na pinalagan ni Health Secretary Francisco Duque III ang panibagong asunto sa kanya ng Public Attorneys Office.

Tinawag niyang “harassment” ang inihaing reklamo ng PAO sa Office of the Ombudsman.

Kabilang sa asunto ay plunder at graft charges, na may kaugnayan sa umano’y “conflict of interest” para sa upa sa lupa na pagmamay-ari ng pamilya Duque sa Philhealth.

Sabi ni Duque, malinaw na ginigipit siya ng PAO na pinamumunuan ni Percida Acosta.

Ayon sa kalihim, nabasura na ang tatlong reklamong isinampa sa kanya ng PAO… ang Reckless Imprudence Resulting to Homicide, paglabag sa Torture Act, at Obstruction of Justice, na lahat ay may kaugnayan naman sa Dengvaxia issue.

Sinabi ni Duque na inatasan na niya ang kanyang abogado na magtungo sa Ombudsman para kumuha ng kopya ng reklamo ng PAO, bago gumawa ng anumang legal na aksyon.

Pero sa ngayon, tiniyak ni Duque na sa harap ng mga tinawag niyang “distractions” ay magpapatuloy siya sa kanyang mandato bilang kalihim ng DOH.

Nakatutok din aniya siya at ang DOH sa pagpapatupad ng Universal Health Care.

TAGS: department of health, duque, PAO, Universal Health Care, department of health, duque, PAO, Universal Health Care

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.